Joseph Marco pasok sa ‘The Bridge’ ng HBO; nag-shooting na sa Malaysia

Si Joseph Marco ang latest Filipino talent na gumagawa ng ingay abroad matapos mapasama sa isang international series na mapapanood sa HBO Asia. Ibinahagi ng Kapamilya aktor sa kanyang Instagram account ang good news at nagpapasalamat sa oportunidad na makagawa ng proyekto sa ibang bansa.

“It’s my first day of shooting here in Kuala Lumpur. Feels very surreal doing my first ever acting stint abroad! It’s such an overwhelming experience to be able to work with international production and I really am grateful for it,” caption ni Joseph sa kanyang IG post.

Ayon sa ABS-CBN international production and co-production, kabilang si Joseph sa cast ng pangalawang season ng hit series na “The Bridge” under Double Vision. Ang “The Bridge” ay tungkol sa mga pulis mula sa iba’t ibang bansa na nagtutulong-tulong na tuklasin ang katotohanan sa pagkamatay ng isang taong hinati sa kalahati at iniwan ang mga labi sa border ng dalawang magkatabing bansa. Nakatakda itong ipalabas ngayong 2020 sa 24 territories.

Read more...