Coco, Juday King & Queen pa rin ng primetime; TV Patrol, Your Moment, Voice Kids waging-wagi

JUDY ANN SANTOS AT COCO MARTIN

HINDI pa rin bumibitiw ang madlang pipol sa pagtutok sa mga programa ng ABS-CBN mula umaga hanggang gabi.
Patuloy pa ring pinipili ng taumbayan ang Kapamilya Network bilang pangunahing istasyon na pinagkukunan nila ng balita at mga makabuluhang mga palabas sa pagkamit nito ng average audience share na 42% noong Nobyembre, ayon sa datos ng Kantar Media.

Hanggang ngayon ay number one pa rin sa buong bansa ang FPJ’s Ang Probinsyano (34.8%) kaya naman mas lalo pang nai-inspire si Coco Martin para mas pagandahin pa ang bawat episode ng kanilang serye. Sinundan naman ito The Voice Kids (34.7%) na nagtapos na naman ng isang matagumpay na season.

Kabilang din sa listahan ng most watched programs nationwide ang TV Patrol (28.9%), Starla (27.4%) ni Judy Ann Santos, Parasite Island (27.2%), Your Moment (24.9%), Rated K: Handa Na Ba Kayo (23.8%) ni Korina Sanchez, Home Sweetie Home: Extra Sweet (23.1%) at Maalaala Mo Kaya (22%) hosted by Charo Santos.

Nagwagi rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks noong Nobyembre, sa pangunguna nito sa primetime (6 p.m. – 12 midnight), kung saan nagtala ito ng 44% share; sa afternoon block (3 p.m. – 6 p.m.), kung saan nagtala ito ng 43%; sa noontime block (12 noon – 3 p.m.) kung saan nakapagtala naman ang network ng 40%; at sa morning block (6 a.m. – 12 noon), kung saan naman nagkamit ito ng 38%.

Panalo rin ang Kapamilya network sa Metro Manila matapos makakuha ng 40% share. Sa Mega Manila naman, nakasungkit ang ABS-CBN ng 34%. Sa Total Luzon, nakakuha ang ABS-CBN ng 38% habang 52% naman sa Total Visayas. Umabot naman sa 47% ang nakuha nito sa Total Mindanao.

Gamit ng multinational audience measurement provider na Kantar Media ang nationwide panel size na 2,610 sa urban at rural homes na kumakatawan sa 100% ng total Philippine TV viewing population.

Read more...