Totoo na raw, promise: Pia Wurtzbach, Marlon Stockinger hiwalay na

PROMISE totoo na ‘to! Yan ang tila nais ibandera ng kampo ni Pia Wurtzbach patungkol sa estado ngayon ng lovelife ng beauty queen.

Confirmed na raw ang break-up this time ng Miss Universe 2015 at ng race car driver na si Marlon Stockinger.

Kalat na kalat na ngayon sa social media ang paghihiwalay ng dalawa, base na rin sa kumpirmasyon ng business manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez.
“Yes, it’s confirmed and you can quote me on that,” pahayag ni Rikka sa Pep.ph.

Ayon pa kay Rikka, noong September pa naghiwalay sina Pia at Marlon. Halos tatlong din naging magkarelasyon ang dalawa at ilang beses na ring nabalitang naghiwalay pero nagkakabalikan din.

Nang i-check namin ang Instagram account ni Pia deleted na ang mga litrato nila ng ex-boyfriend at in-unfollow na rin nila ang isa’t isa sa IG.

Ayon pa sa report, isa sa mga rason kung bakit naghiwalay ang ex-couple ay ang pagiging “jobless” umano ni Marlon. Ngunit ayon naman sa isang source, ang kawalan ng oras ni Pia ang dahilan ng kanilang break-up.

Wala pang official statement sina Pia at Marlon tungkol sa nasabing issue.

Naging magkarelasyon sina Pia at Marlon matapos manalong Miss Universe ang dalaga. Una silang nabalitang naghiwalay noong 2017 matapos i-unfollow ang bawat isa sa Instagram.

Read more...