SEAG gold medalist incentives dinagdagan ng P10M mula sa sweldo ng cong

KAKALTASAN ang suweldo ng mga kongresista upang makalikom ng P10 milyon na idaragdag sa incentives na makukuha ng mga naka-ginto sa ika-30 Southeast Asian Games.

Inaprubahan ng Kamara de Representantes ang House Resolution 568 na akda ni Speaker Alan Peter Cayetano na kumikilala rin sa Team Pilipinas na lumaban sa kanya-kanyang kompetisyon.

Mayroong 530 event sa 56 sports sa SEAG kung saan kasali ang 1,094 Pinoy athletes.

“The leaders and Members of the House of Representatives in the 18th Congress stand in solidarity with the Team Philippines throughout the competition in their quest to capture the gold medals in their respective sports, and to bring honor and pride to the Filipino people,” saad ng resolusyon.

Bukod sa insentibo na matatanggap sa ilalim ng batas, nangako ang Philippine Olympic Committee ng dagdag na incentives sa mga mananalo ng ginto sa SEAG.

“As a concrete manifestation of the commonality of the goal to bring honor and pride to the country, the leaders and Members of the House of Representatives deem it proper to deduct individual pledges from their salaries from January 2020, as additional incentives to Filipino gold medal winners in the 30th SEA Games.”

Read more...