Sea Games gold medalist Carlos Yulo instant crush ng bayan: Nagpasilip ng abs

Naging instant superstar at bagong crush ng bayan ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo matapos ang kanyang back-to-back win sa 2019 SEA Games.

Talagang pinag-uusapan siya ngayon ng mga girls and gays hindi lang dahil sa kanyang tagumpay kundi pati ang kanyang matinding sex appeal at hunky body.

Viral ngayon ang photo niya sa social media habang ipinapakita ang kanyang six-pack abs. Talagang naglaway ang mga beki sa kanyang yummy body. At dahil nga riyan, dumami ang dummy accounts using his name and photo sa mga social media sites.
Kaya agad siyang nag-tweet para ipaalam sa publiko ang tunay niyang account sa Twitter at Instagram, “Hi Twitter people, this is my official twitter account [@c_edrielzxs]. Please report, unfollow and block dummy accounts. Continue supporting Atletang Pilipino. Maraming salamat po.”

Pagkatapos ng SEA Games, lalaban naman siya sa 2020 Summer Olympics sa Tokyo.

Read more...