outbrain

Alex rumesbak sa poser: Sobrang panloloko na ‘yan, kaya wag ako!

By Ervin Santiago December 05,2019
share this

Alex rumesbak sa poser: Sobrang panloloko na ‘yan, kaya wag ako!

By Ervin Santiago December 05,2019
share this

ALEX GONZAGA

BINASAG ni Alex Gonzaga ang isang poser na gumagamit sa kanyang pangalan para makapanloko ng tao.

Hindi na nakatiis ang Kapamilya TV host-actress-vlogger kaya naglabas na siya ng official statement hinggil dito para hindi na makapambiktima ang nasabing pekeng Alex Gonzaga.

Kahapon, ni-retweet ng sisteraka ni Toni Gonzaga ang post ng isang Twitter user na may handle name na @alexgonzaga. Mensahe ni Alex laban sa poser, “FAKE! Kung poser at fake account ito malamang di rin totoo ang pagive-away nito. And lastly FYI OPPO dapat pinamigay mo tangek!”

Ayon pa sa dalaga, talagang plano ng kanyang poser ang manloko sa social media dahil may binanggit pa itong mensahe tungkol sa pagbibigay ng giveaways. Sa ngayon ay deactivated na ang account ng poser kaya deleted na rin ang tweet nito. Pero may isang follower si Alex na nakapag-screenshot ng Twitter bio ng poser at makikita nga rito ang mga litrato ni Alex sa kanyang pangalan, profile photo at wallpaper.

Matapos namang maglabas ng warning si Alex, marami ang umaming nabiktima na sila ng fake na Alex Gonzaga. At dito nga nakarating sa dalaga na may isang basher ang nag-share ng dalawang pictures ng Kapamilya actress na may ekis na pula. Sa isang photo ay may nakasulat na, “Dis is to the most cancelled influencer and awkward vlogger @cathygonzaga napaka yabang mu porket marami kalang subs sa youtube akala mu sobrang sikat kana at luluhudan ka ng mga tao at magkakandarapa ang nga tao para gmawa ng fake accs mo”

Pagpapatuloy pa nito, “Kahit yung mga fans mo pinaplastik mo lang sila. Kawawa magulang mo sayo pati na mapapangasawa mo di nia deserv ka2lad mo kasi puro ka kayabangan at lagi mung ibinababa lahat ng tao sa paligid mo. Sna baguhin mo na ugali mu. mayaman kna maging mabuting tao ka naman.”

Ang paniwala ni Alex, galing din ito sa isang taong gumagamit sa kanyang pangalan at mga litrato para makapanloko. Aniya, may isa ring “Alex Gonzaga” sa Facebook na kahit ang kanyang mga kaibigan ay naniwalang sa kanya ang account.

Ito naman ang sagot ng Kapamilya TV host sa hater, “For the longest time hinahayaan ko yung Alex Gonzaga account sa FB kahit dami nagsasabi pareport ko. Ang dami kahit kaibigan ko akala ako yun pero hinayaan ko na lang but ang na gclaim ng copyright at magpa giveaway kuno para sa followers sobra ng panloloko kaya wag ako.”
* * *

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending