NAUWI ni Haniel Abella ang ikalawang silver medal ng Pilipinas sa fencing matapos mabigo kay Kiria Tikanah Abdul Rahman ng Singapore sa kanilang gold medal match sa 30th Southeast Asian Games women’s individual epee competition Miyerkules ng hapon sa World Trade Center.
Natalo si Abella kay Abdul Rahman sa iskor na 15-12 sa ikatlong round ng finals.
Nagawang makapasok ni Abella sa gold medal match matapos talunin sa semifinals si NguyenThi Nhu Hoa ng Vietnam, 15-10.
Ang unang silver ng Pilipinas sa fencing ay nagmula kay Christian Jhester Concepcion sa men’s individual sabre competition.
MOST READ
LATEST STORIES