Vice Ganda kay Yorme Isko: Ikaw na ang pinakagwapong mayor sa buong Pilipinas!

By Alex Brosas December 03,2019
share this

Vice Ganda kay Yorme Isko: Ikaw na ang pinakagwapong mayor sa buong Pilipinas!

By Alex Brosas December 03,2019
share this

 

VICE GANDA

Flattered si Mayor Isko Moreno sa papuri ni Vice Ganda sa unang bahagi pa lang ng kanyang guesting sa Gandang Gabi, Vice.

“For me talaga, personal ito, ikaw ang pinakaguwapong alkalde sa buong Pilipinas,” Vice declared.

“Nahiya naman ako bigla,” say ni Yorme Isko.

When asked kung nakadagdag ang kanyang kaguwapuhan sa pagkuha ng boto noong nakaraang election, Yorme Isko said, “Generally speaking, ‘yung aura ng isang kanditato ay may konting plus.”

“Galit na galit kayo sa dumi,” say ni Vice Ganda.

ISKO MORENO

“Hindi naman. Gusto ko lang kasing baguhin ang mindset ng kababayan natin. Marami kasi ang nahirati, nakasanayan na lang, ‘okay na ‘yan, madumi, kasi sanay na kami na madumi.’
“So, ‘yung dating mali ay naging tama. So ngayon, hangga’t maaari ang pamahalaang lungsod ay ibinabalik lang ‘yung normal,” paliwanag ng mayor ng Manila.

“In the long term, maa-appreciate ng tao ‘yan. There are things in our life na we might not understand instantly but in the long run, eventually, kapag nagkaisa talaga…kung lahat ng maybahay sa isang kalye ay nagwawalis, eh, di buong kalye malinis.
“Ang obligasyon naman ng gobyerno, darating ang truck namin. Kakalapin naming lahat ‘yung basura,” dagdag pa niyang paliwanag.

Tuwang-tuwa ang lahat ng nasa audience nang magpaunlak ng sayaw si Yorme Isko kasama ang nag-viral na bagets na si Aaron Sunga from Bataan. Nag-showdown ang dalawa sa stage. Nag-viral ang video ni Aaron dahi kung anu-ano ang mga suggestion nito kung siya ay magiging mayor.

Later, niregaluhan ni Vice Ganda ng bike si Aaron habang binigyan naman ni Yorme Isko ng P5,000 ang bagets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending