SEA Games: Hidilyn Diaz sinungkit unang ginto sa weightlifting

WALANG nakapigil kay Hidilyn Diaz para masungkit ang unang ginto sa weightlifting event ng 2019 Southeast Asian Games Lunes ng hapon sa Rizal Memorial Stadium.

Bumuhat ang Olympian ng 91 kg sa snatch at 120 sa clean and jerk para sa kabuuang 211 kg para sa gintong medalya.

Pinadapa ni Diaz si silver medalist Juliana Klarisa ng Indonesia sa binuhat na 197 kg at  bronze finisher Vietnam Nguyen Thi Thuy na bumuhat ng 175 kg.

 

Read more...