3 days pa lang: ‘Unbreakable’ nina Bea at Angelica kumita na ng P29.3M

ANGELICA PANGANIBAN AT BEA ALONZO

Sa loob lang ng tatlong araw, kumita na ng P29.3 million ang latest offering ng Star Cinema, ang pinag-uusapan at pinipilahang “Unbreakable”.

Kaya naman super happy ngayon ang buong production lalung-lalo na ang mga bida ng pelikula na sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo na tumatanggap ngayon ng kaliwa’t kanang papuri mula sa mga nakapanood na ng movie.

“Thank God it’s Payday Weekend! And thank God for you mga Mamee na patuloy ang suporta sa #Unbreakable in cinemas for the past three days!” ang mensahe pang ipinost ng Star Cinema sa Instagram.

Directed by Mae Alviar, ang kuwento ng pelikula ay umiikot sa friendship ng dalawang babae na dadaan sa matinding pagsubok nang dahil sa isang lalaki na ginagampanan naman ni Richard Gutierrez.

Read more...