Hirit ng bagong dyowa ni Karla: Madali akong na-in love sa kanya

 

DUMATING na ang inaabangang pag-amin at paglantad ng dating “mystery guy” sa buhay ni Karla Estrada sa morning show niya with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, ang Magandang Buhay.

Umapir na sa morning show ng ABS-CBN ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio sa pagdiriwang ng kanyang birthday celebration, “Actually, ninenerbyos ako para sa kanya,” umpisa ni Karla nu’ng ipakilala na si Jam. “Kasi, hindi naman talaga siya sanay. Tsaka hindi naman niya ito inaakala.”

Tanong ni Jolina, ano ang napi-feel niya ngayong lumabas na sa programa nila si Jam, “Masaya naman at saka bago lahat sa akin ‘to kasi wala pa naman akong naiharap, ‘di ba? First time ‘to. Kahit ‘yung mga tatay ng mga anak ko, parang hiyang-hiya ako. Kasi, kung kailan naman may apat na akong anak. But you know, sabi nga ni Vice Ganda, deserved natin ‘to, ang sumaya at lumigaya.”

Tanong naman ni Melai, kung kailan sila unang nagkita and what was his initial impression kay Momshie Karla. Sumagot naman si Jam at sinabing June 1, 2019 sila nag-meet at “maganda” ang sinabi niya nu’ng una niyang makita si Karla. Kasunod nito ay tinanong si Jam kung kailan niya naramdamang mahal niya ang nanay ni Daniel Padilla.

“Yung madalas na kami magkasama, nu’ng nakilala ko siya mas mabuti,” sagot ni Jam. Inamin pa niya na mabilis daw nahulog ang loob niya kay Karla dahil hindi mahirap mahalin ang aktres-TV host. Ayon pa kay Karla, “Actually, ang bilis nu’ng sa akin. Kasi, ang tagal ko nang heartbroken. Kaya lang nagdadalawang-isip ako na baka natutuwa lang ako na merong ganoong tao na nagpapakita ng concern or nagpapakitang-gilas. Charot! Hindi naman,” joke ni Karla.

Natuwa raw si Karla kay Jam dahil sa tapang nito na harapin siya knowing how strong ang personality at kung gaano katapang in real life ni Queen Mother, ‘di ba? “Pumunta siya sa bahay na hindi niya iniisip na bahay namin, ‘di ba? E, three days pa lang kaming magkakilala. So, pumunta siya sa baha, may dalang bulakak, at coffee, ganoon,” pag-alala ni Karla habang ka-holding hands si Jam.

Sabi naman ni Jam nagkaroon siya ng lakas ng loob na umakyat ng ligaw sa bahay ni Karla dahil wala naman sa isip niya na superstar ang estado nito, “Inaano ko lang siya na, parehas lang kami na normal na tao. Kung ano ‘yung dapat gawin ng lalaki sa isang babae, ‘yun naman ang ginagawa ko.”
Nagbigay din ng birthday wish si Jam for Karla at ‘yun ay ang maging masaya siya, “Gawin lang niya kung ano ‘yung makakapagpasaya sa kanya. Kasi, ‘yun naman ang dapat, e. Hindi ‘yung gagawin niya lang dahil gusto ng ibang tao.”
Ipinagdasal naman daw ni Jam na maging okey siya sa mga anak ni Karla especially kay Daniel, “God’s way na rin. Siya na rin ang parang gumawa ng way para magkaroon kami ng bonding ng mga anak niya, makilala ko sila nang mabuti. Kasi galing din ako sa kung ano yung naranasan niya, galing din kasi ako doon.”

Hiwalay sa kanyang asawa si Jam at may kambal na anak.
* * *

Kinilabutan kami sa rehearsal para sa opening ceremony ng 30th SEA Games sa loob ng Philippine Arena. Ipinasilip din sa amin ang mga costumes na gagamitin ng lahat ng performers sa 2019 SEAG Opening Ceremonies na tinatayang aabot sa mahigit 300 participants.

Ang naganap na SEA Games 2019 Opening Ceremonies ay collaboration ng local and international talents. The grand event was really an exposition of Filipino culture, and contemporary music and dance, and a testament to the collaboration of great talents which embodies the games’ credo of “We Win As One.”

Sama-samang pwersa ang lumikha ng ekstrabagansang opening ceremony sa pangunguna ng Palanca-award winning writer Floy Quintos, National Artist for Music and Ramon Magsaysay Awardee Maestro Ryan Cayabyab, US-based, Emmy-award winning live content creator FiveCurrents, and Filipino companies Video Sonic and Stage Craft International.

Bumida sa mga production numbers sina Lani Misalucha, Christian Bautista, Aicelle Santos, Jed Madela, Elmo Magalona, KZ Tandingan, Iñigo Pascual, The TNT Boys, Ana Fegi at Robert Seña, with international rap artist Apl.d.Ap. Bukod sa mga artist, 11 local beauty titleholders headed by Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach and former Miss World Megan Young also participated in the ceremonies. Ipinakita rin sa amin ng kilalang fashion designer na si Eric Pineda ang mga gown na isinuot ng ating mga beauty queen.

Read more...