AS has been a couple of time, nakatagpo ng mapagsusumbungan si Mystica in her ghizmo, ang camera-eqipped niyang cellphone.
It has so far recorded a good number of scenes caught on video na kinunan lang sa kung saang sulok amidst disruptive noises in the background. Walang iniwan ‘yon sa selfie taking the best shots of the one doing it from every angle, only that Mystica’s audio-video collection has a story in it told in the highest level of human emotions.
Sari-saring emosyon ‘yon which swings from happiness to sadness, from sobriety to anger building up from the very start until it reaches culmination.
Isa sa mga naisulat na naming video ng binansagang Split Diva (masabi lang she, too, has a title of her own) ay kuha noong panahong nalugmok siya sa buhay. Tumatao na lang kasi si Mystica noon sa isang bakery, forcing her to take on a menial job kahit pabarya-barya lang ang kinikita sa kawalan ng trabaho.
Kinunan ‘yon sa isang gilid ng panaderya, kita ang iron grills sa bungad nito at hagip din sa kamera (ng cellphone) ang ilang mga tinapay on trays. Between sniffles and sobs ay naglitanya na si Mystica ng mala-libro niyang buhay, looking back noong mga panahong daan-daang libong piso siya kung managana miserably in contrast to the piso-piso she was earning from the bakery.
Hindi klaro if she owned it or if she was hired as a bakery helper. Pero ito ‘yung panahong she badly needed a job, preferably ang muling mabigyan ng trabaho sa showbiz.
In fairness, Mystica’s lachrymose appeal didn’t fall on deaf ears. Ang panaghoy niyang ‘yon ay umabot sa kaalaman ni Coco Martin who gave her a guest appearance on FPJ’s Ang Probinsyano. ‘Yun nga lang, drug pusher ang role na ibinigay kay Mystica, but who cared kesa naman nagkatrabaho nga siya pero tulak naman sa totoong buhay? However, Mystica’s exposure was cut short, napatay siya sa kuwento.
Isa ring video ang napanood namin, ito na ‘yung bahagya na ring nakakaahon si Mystica sa buhay. Kuha ‘yon sa loob ng tumatakbo niyang SUV beside her boyfriend. Base sa takbo ng kanilang usapan, galing sila sa isang programa kung saan nag-guest si Mystica. On board the car, tawa nang tawang ipinagmamalaki ni Mystica ang stunt which she pulled off.
Napaniwala raw kasi niya ang mga tao sa kanyang kuwento, salamat sa inamin niyang pagdadrama lang. Kumbaga, naisahan niya ang publiko, kundi man nauto.
Comes the latest video of Mystica na marunong tumayming sa panahong there’s so much fury and furor over the case of radio broadcaster Raffy Tulfo involving a teacher na pinaratangang namahiya ng kanyang estudyante. Suki si Raffy sa social media who has incurred the ire of those in the academe. Nag-aala-hukuman daw kasi ang programa nito na nagpapairal ng batas gayong wala naman itong huridiksyon sa mga kasong may tamang tanggapan na maaaring takbuhan.
Personally, wala man kami matagal na sa propesyon ng pagtuturo ay nakikiisa kami sa damdamin ng mga guro. We are also a family of teachers, to say the least. Ang mga ganitong usapin need not be brought to media attention. Sa mismong paaralan pa lang ay maaari na itong upuan. If all else fails, may tamang ahensiya which can take care of it.
The media, kung tawagin natin, is the Court of Last Recourse. Dito na ito pumapasok if all efforts exhausted have proven to be an exercise in futility. Kaya hindi rin kami sang-ayon sa ka-OA-yan ng intrimitidang lola ng batang nagugutom lang yata sa publicity.
At the very least, Raffy’s staff should have checked kung dumulog na ba ang complainant sa mga school authorities. Pero sa halip nito, it entertained a complaint which eventually turned the table: ang program anchor na ngayon ang inirereklamo.
Going back to Mystica, naitawid naman niya ang kanyang punto laban kay Raffy. But remember, it’s not what one says but how he says it.
Nakaiskor na sana ng puntos si Mystica, but the manner by which she delivered her message ay walang iniwan sa isang nagtanghal sa entablado, gumiri, gumiling, gumulong, nag-split ng legs only to see her laced undies torn apart.