'Soulmate Project' nina James Reid at Nancy McDonie ng Momoland tuloy pa ba? | Bandera

‘Soulmate Project’ nina James Reid at Nancy McDonie ng Momoland tuloy pa ba?

Ervin Santiago - December 01, 2019 - 12:07 AM

JAMES REID AT NANCY McDONIE

 

TANONG ng mga fans ni James Reid: Matutuloy pa ba ang gagawin niyang proyekto kasama ang miyembro ng sikat na Korean girl group na MOMOLAND na si Nancy McDonie.

Dalawang buwan na kasi ang nakalilipas matapos ibandera ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na magsasama sa isang mini-series sina James at Nancy. Ayon sa magiging direktor ng “Soulmate Project” nitong si Antoinette Jadaone, ibang-iba ito sa mga nagawa na niyang teleserye before dahil ang magiging format nito ay mala-K-drama at US series.

“Hindi siya teleserye. It’s a series because it’s 13 episodes. It’s not like how we do teleseryes na you do it per script every day, with a weekly script,” ani Direk Antoinette. Aniya pa, “There is more control sa kung ano ang mangyayari sa bawat character, sa story. But also, mas mahirap siya, kasi I realize it’s not the same as writing a film script, a screenplay. It’s different, it’s harder to write a series pala. Pero since andiyan na, gagalingan ko na lang!”

Pero mukhang naiinip na ang mga fans nina James at Nancy dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang nababalitaan tungkol dito. Kaya ang tanong nila, “Matutuloy pa ba ang Soulmate Project?”

Sa isang showbiz event, diretsong tinanong si James about this, pero walang malinaw na sagot ang hunk actor, “I can’t say too much about that right now. Sorry.” Hirit pa ng isang reporter sa binata, ‘Yes’ or ‘No’ lang ang dapat niyang isagot, pero nagmatigas pa rin ang partner ni Nadine Lustre, “I can’t answer that. I can’t talk about that.”

Sa ginanap na announcement ng nasabing project a few months ago, magsisimula raw ang shooting ng “Soulmate Project” sa 2020 kung saan kukunan pa sa South Korea ang ilang highlights nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending