Mga Laro sa Huwebes
(SM MOA Arena)
11 a.m. Iran vs Malaysia
1:15 p.m. Jordan vs
Taiwan
3:30 p.m. Japan vs Qatar
5:45 p.m. China vs Korea
8:30 p.m. Saudi Arabia
vs Philippines
10:30 p.m. Kazakhstan
vs Thailand
HANDA na ang Gilas national team na ipakita ang kalidad ng paglalaro sa 27th FIBA Asia Men’s Championship na magbubukas sa Huwebes (bukas) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa pulong pambalitaan ng torneyo kahapon sa SM Mall of Asia Arena na dinaluhan ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes at mga kinatawan ng nagdedepensang kampeon China, Iran, Jordan at Kazakhstan, aminado si Reyes na malaki ang pressure na papasanin ng bawat kasapi ng pambansang koponan.
“Mas gusto ko na nakakaramdam ng pressure pero pero mas maganda nang hinaharap ito na naglalaro sa ating bansa,” wika ni Reyes.
Tiniyak din niyang ginamit nila nang husto ang kaunting panahon na ibinigay sa kanila para makapagsanay at makapaghanda bagaman nitong Hunyo lamang nagkasama-sama ng buo ang koponan.
“Everybody knows what we have gone through but in my mind, we made the most of the time given to us. And I think this team is gonna come out fighting tooth and nail and the only thing I can promise is that nobody is gonna try hardern that your team,” ani pa ng beteranong coach.
Dagdag pa ni Reyes, walong koponan, kasama ang host team, ang maaaring maglalaban para sa titulo at sa tatlong puwesto para sa 2014 Fiba World Cup na gaganapin sa Madrid, Spain.
“I say it very clear and very sincerely that all these five teams in this table together with Korea, Japan, Chinese Taipei and Qatar can win the title.
Any team can beat any team on any given night and that is to show the parity in this tournament,” paliwanag nito.
Kumbinsido rin si Reyes na papasok ang Gilas sa semifinals at mula rito ay magbabalikatan na ang mga koponang nasa yugtong ito para sa kampeonato.
“We have a very good chance to make it to the semis. Beyond that its really anybody’s game,” banat pa ni Reyes. Kahit ang mga delegado ng ibang bansa ay naniniwalang walang nakakasiguro sa mga kasaling koponan dahil lahat ay ginawa ang dapat gawin sa preparasyon para manalo at makausad sa 2014 World Cup.
“We do have the Olympic spirit to participate and everybody wish to win a medal and everybody want to participate in the World Cup. We all respect each other and it will be a very good competition,” wika ni Kazakhstan coach Matteo Boniciolli.
Nakasukatan ang Gilas ang Kazakhstan sa isang exhibition game sa Araneta Coliseum noong Biernes na napagwagian ng host team, 92-89.
Dumalo rin sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan at Fiba-Asia secretary-general Hajop Khajirian.
Pinasalamatan ni Pangilinan ang pagbibigay ng pagkakataon sa Pilipinas na maitaguyod ang pinakamalaking basketball event sa bansa sa huling apat na dekada.
Ang Solar Sports at TV5 ang magtutulong para maipalabas ang mga laro. Ang Finals ay itinakda sa Agosto 11 sa Mall of Asia Arena.