Maine siguradong sasakit ang ulo sa opening ng 2019 SEA Games; laging bad trip sa traffic

MAINE MENDOZA

SUMAKIT na naman ang ulo ni Maine Mendoza nu’ng isang araw nang dahil sa matinding traffic.

To think na screenshot pa lang ng traffic sa Guadalupe, Makati City ang nakita niya sa isang broadsheet, huh!

Eh, kahapon, Sabado opening pa ng 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena. Madadaanan ni Meng ang venue dahil galing siya sa Sta. Maria, Bulacan.

Malaki ang chance na mapasabak siya sa mabigat na traffic dahil wala siyang choice kung hindi dumaan sa Philippine Arena, huh!

Payo namin, umisip na lang si Maine ng paraan para aliwin ang kanyang sarili kesa pasakitin ang ulo dahil bahagi na ng buhay ng mga Pinoy ang traffic lalo pa’t Disyembre na.

* * *

Hindi sumuko si Boy Abunda para matapos ang kanyang Doctor of Philosophy in Social Development kahit na nga nahirapan siya nang todo.

Kaya ang kilalang Kuya Boy at King of Talk Show sa Philippine entertainment industry ay tinatawag na ngayong Dr. Eugenio “Boy” Abunda.

Naging daan naman ito para kunin siyang Level Up Ambbassador ng AMA Online Education (AMAOed) para sa mga taong gustong ipagpatuloy pa ang mas mataas na edukasyon.

Pahayag ni Dr. Abunda sa contract signing niya, “Through my own experience, I know how hard it can be to balance life priorities and pursuing further education.

“But I highly believe that you’re never too old to keep on learning. This partnership will help promote my own advocacy of becoming a life-long learner while helping those looking for better opportunities discover that they can pursue further studies online at their convenience.”

Read more...