POKWANG SA PAGKATALO NI GAZINI SA MISS U 2019: NALITO ANG JUDGES SA KANYA!

GAZINI GANADOS AT POKWANG

MARAMING kumampi pero may mga bumatikos din sa naging hugot ni Pokwang sa pagkatalo ni Gazini Ganados sa katatapos lang na 68th Miss Universe.

Sinagot ng Kapamilya comedienne ang tanong ng ilang netizens kung ano ang naging pagkukulang ni Gazini sa nasabing beauty pageant at hanggang sa

Top 20 lang ang kanyang inabot. Para sa ilang netizens, may point naman si Pokwang sa kanyang observation.

Aniya, baka raw nalito ang mga judge sa kanyang eagle-inspired costume.

“Nalito ang mga hurado kasi ang pino-project niya, Phoenix walk, ‘tapos naka-aguila siya na costume.

“Dapat alam niya kung ano at sino siya ng araw na iyon! And I thank you,” ang hirit ni Pokwang. 

Read more...