Salpukan ng motor: 2 patay, 1 sugatan

DALAWANG tao ang nasawi at isa pa ang nasugatan nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Casiguran, Sorsogon, Biyernes ng gabi.

Dead on arrival sa ospital sina Salvador Gratuito Jr., 46, at Reymark Loresto, ang mga driver ng dalawang motor, ayon sa ulat ng Sorsogon provincial police.

Nagtamo naman ng bahagyang pinsala ang menor de edad na angkas ni Loresto.

Naganap ang insidente dakong alas-8:30, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Trece Martirez.

Minamaneho ni Loresto ang kanyang motor mula Castilla patungong Sorsogon City nang masalpok ang kasalubong na motor ni Gratuito.

Mabilis ang takbo ng motor ni Loresto at lumipat pa sa kabilang lane habang nago-overtake sa isang kurbada, ayon sa pulisya.

Read more...