Mark Neumann rumaraket bilang financial adviser: Umaming may 'asawa' na | Bandera

Mark Neumann rumaraket bilang financial adviser: Umaming may ‘asawa’ na

Ervin Santiago |November 30,2019
facebook
share this

Mark Neumann rumaraket bilang financial adviser: Umaming may ‘asawa’ na

Ervin Santiago - November 30, 2019 - 12:29 AM

NAKAKABILIB ang magaling na Kapamilya actor na si Mark Neumann! Talagang naghanap siya ng fallback para maging second career – at ‘yan ay ang pagiging Financial Adviser.

Naghahanda na rin kasi si Mark sa kanyang future at sa kanyang magiging pamilya kaya talagang super kayod siya ngayon, “I’m a licensed financial adviser now. Mayroon kasing thinking na spend first, then kung ano ‘yung matira, ‘yun lang ang papasok sa savings. But it should be the other way around,” chika ni Mark nang makausap ng ilang members ng entertainment media sa bonggang 25th anniversary celebration ng Bioessence na ginanap sa Cities Events Place recently.

“Dapat save first, then spend only if necessary. The things you buy are those needed and not simply wanted,” aniya pa. Pero mabilis niyang sinabi na hindi niya iiwan ang showbiz, “Kung kaya naman po pagsabayin ‘di ba? I mean, kung may ialok na role, why not? Iba rin lang talaga ‘yung may iba kang ginagawa bukod sa pag-arte.”

Naikuwento rin ni Mark ang tungkol sa kanyang girlfriend na si Maffy. Fiancée na nga ang tawagan nila kahit hindi pa sila magpapakasal. Aniya, may mga papeles pa raw siyang hinihintay mula sa Germany, “Hindi pa kami kasal, but if ever bakit ko naman itatago, of course I will be proud of my wife, pero hindi pa nga po kasi may mga papers pang inaayos, like ‘yung civil registry nandoon pa po kasi 10 years akong hindi nakabalik sa Germany so need ko ‘yung papers o cenomar doon to prove na wala akong asawa roon.”

Pero diretso niyang sinabi na nagli-live-in na sila ni Maffy sa Lemery, Batangas, “Sa bahay po ng lola ko kami nakatira, pamana po ng lola ko, since wala na siya kami na po ang nakatira roon.”
Isa si Mark sa mga naimbitang celebrities ni Dra. Emma Guerrerro at anak na si Joseph Feliciano para sa 25th anniversary ng Bioessence at gusto rin niyang subukan ang mga services.

Samantala, ayon kay Dra. Emma, ipinasa na niya sa mga anak ang pamamahala ng kanilang beauty and wellness business, “It’s a big blessing na nakarating kami ng 25 years. It’s also a blessing na my kids are into the business and I’m looking forward na mukhang matagal-tagal pa ang business namin dahil my kids will take over the business so, medyo my future tayo.”
Ayon naman kay Joseph, “Me and my sister naman handle our own businesses as well pero we always go back to Bio and we always make sure to improve Bio because it’s her (Dra. Emma) legacy that we want to protect. As we build our own (business). We wan’t to cement her legacy as well para hindi masayang ang pinaghirapan niya.

“I saw how she took care of all the people, kung ano ang naibalik niyon sa kanya because all our staff, we have our staff na with us for so many years na marami, nga more than 25 years na. I feel they’re love for us and for the company kaya they stayed with us for so long. And that’s something I also want to have with the businesses I have,” aniya pa.
Nang tanungin kung ano ba ang sikreto ng Bioessence at tumagal ito ng 25 years, “Napansin ko na nag-eenjoy sila na nasa clinic o spa sila. Loyal sila. Hindi nga nila ako nakikita eh. Kasi when I went to Davao hindi ako humaharap sa client kasi iniisip ko na dapat maayos ang lahat ng pangangailangan nila para mas maganda pa kaya hanggang ngayon maayos pa rin. Lahat ng needs ng mga nagpupunta sa clinic namin nandoon na.”
Ayon pa sa kanya, bagamat kumukuha sila ng celebrity endorsers ay ayaw niyang sa mga ito ma-focus ang kanilang serbisyo, “We’re the pioneer in putting a clinic in the mall and also the billboard. Actually, Dina Bonnevie is one of our first endorsers. Naisip ko paano papansinin ang billboard kung hindi celebrity ang nakalagay doon. But then after 15 years I decided to stop all the celebrity and try to work on with them.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending