Kilalang male celeb mukhang pera, pati manager niloko | Bandera

Kilalang male celeb mukhang pera, pati manager niloko

Cristy Fermin |November 30,2019
facebook
share this

Kilalang male celeb mukhang pera, pati manager niloko

Cristy Fermin - November 30, 2019 - 12:58 AM

PINAGPISTAHAN sa isang malaking umpukan ang isang male personality na kilalang-kilala dahil naging heartthrob siya nu’ng kanyang kabataan.

Kapag nababanggit ang pangalan ng lalaking personalidad na ito ay datung agad ang unang-unang nagiging istorya, palaging pera, nakasulat na kuno sa mukha ng aktor ang datung, maraming nagkokomento.

Kuwento ng isang impormanteng nasa umpukan, “Magaling siya talaga basta pera na ang pinag-uusapan. ‘Yun ang minaster niya talaga sa buhay, pera, pera, puro pera!

“Kunwari, kinukuha mo siya sa isang show, marami siyang drama. Kunwari, e, titingnan niya muna ang schedule book niya, meron na raw siyang commitment, pero kapag nauwi na sa pera ang usapan, biglang nagbabago ang desisyon niya!

“Kung malaki ang offer, sasagot na agad siya, shoot na ‘yun! Pero kung maliit lang, e, meron na siyang nasagutan, ganu’n lang kaigsi ang usapan,” sabi nito.

Nagkaroon sila nang matinding away nu’n ng kanyang dating manager, nai-book na kasi siya nito para sa isang okasyon, pero tumanggap pa ng iba ang aktor na hindi alam ng kanyang dating manager.

Patuloy ng aming source, “Natural, pahiyang-pahiya ang manager niya du’n sa sinagutan niyang darating si male personality. Kaibigan ng manager ang may birthday, walang talent fee.

“Ang tinanggap na show nu’ng male personality, e, may bayad, malaki ang amount, kaya inilusot ‘yun ng male personality sa manager niya.

“Galit na galit sa kanya ang manager, puro pera lang daw ang mahalaga sa male personality, isa nga ‘yun sa mga dahilan kung bakit binitiwan na siya ng manager!

“Saan ka nga naman makakakita ng tulad ng taong ganu’n? Meron siyang manager, pero tumatanggap din siya ng show? Hindi alam ng manager niya ang mga shows na ‘yun, itinatago niya talaga!

“Naman! Ano pa ba ang dahilan? Natural, para hindi na mabawasan pa ang talent fee niya para sa komisyon ng manager niya! Ganu’n siya katindi!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lalayo pa ba naman tayo? E, bakit siya kinasuhan ng mismong pamilya niya nang dahil sa ibinenta niyang property? Sinolo niya ‘yun, samantalang marami silang dapat maghati-hati sa pinagbentahan!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending