Kris kinarir ang pagbabalot ng Christmas gifts: Health & wellness ang theme this year!

“HEALTH and wellness” ang napiling theme ng Social Media Queen na si Kris Aquino sa pagbibigay niya ng regalo ngayong holiday season.

Kilalang generous ang TV host-actress sa pagreregalo, lalo na sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan pero ngayong taon, talagang nag-effort si Tetay sa mga regalong ipamimigay niya. Bukod sa personalized ang mga ito, may kanya-kanyang twist din ang kanyang mga gifts.

“Right now, they’re busy, because I try my best to personalize the gifts,” pahayag ni Kris sa ginanap na Lady’s Choice Creamy Mayo Christmas event sa Glorietta 2 recently. Medyo mahaba rin daw ang Christmas list niya ngayong taon dahil isinama na niya ang ilang taong nakatulong at naging helpful sa kanya at sa kanyang mga anak sa buong taon.

“As early as September, I ordered. So, everything started coming in the middle of October to the end of October. And then for the past two weeks, they’ve been wrapping non-stop,” pahayag ng mommy nina Joshua at Bimby.

Nabanggit din ni Kris ang tungkol sa kanilang family yearly Christmas pictorial, “Every year also, I’m maarte in a sense na nagki-Christmas pictorial kami ng boys. I just want to track how they’re growing and it’s really cute,”

“I think it’s there in the loot bags. All of them will have our Christmas card. Just to see the progression because me, in flats, I need to use three crates for me to be in the same height as the two boys. So that’s what you’ll get to see in the Christmas card,” aniya pa.

At dahil nga “health and wellness” ang theme ng kanyang mga ipamimigay ng regalo ngayong Christmas bukod sa personalized siniguro rin niyang unique ang mga ito, “It will depend on who the person is, and of course depending on the gender and age bracket.”

Mula sa ginamit na gift wrap hanggang sa mga ribbons, ipinagmalaki ni Kris na siya talaga ang namili sa mga ito, “The tissue inside, the Japanese paper, it’s rainbow-colored. So, you can imagine that. But because I wanted pink, nadagdagan yung rainbow, because sabi ko kung walang pink it doesn’t feel like me. So, the red, orange, yellow, green, blue, indigo, violet, and then with baby pink and fuchsia. So, because it’s Kris!”

Read more...