SPOTTED si John Lloyd Cruz sa kasal ni Vhong Navarro sa kanyang long-time girlfriend na si Tanya Bautista.
Marami ang kinilig when netizens saw a clean-cut John Lloyd. Mas gumuwapo ito, mas naging yummy (parang food lang, ha) at mas naging healthy looking. Wala na kasi ang unkempt look niya wherein nagmukha siyang ermitanyo.
Girls swoon at Papa Lloydie’s new look. Maraming fans ang nag-wish na magbalik na siya sa showbiz. It’s more than two years na kasi na wala siyang ginagawa.
“Popoy kinilig na naman ako sayo balik ka na ulit please gawa ka movies.”
“Diyan ko narealize na kahit naghiatus siya at kung bumalik siya at gumawa ng movie. Feel ko box office pa rin.”
“The hairline but he is still so gwapo. Lakas ng charisma. Sana naman tapos na ang ermitanyo days nya.”