Kilalang aktor walang utang na loob, pera-pera lang ang laban

Wala raw loyalty ang kilalang aktor dahil bigla na lang niyang iniwan ang beauty clinic na nag-i-sponsor sa kanya para tanggapin ang offer na maging endorser ng isang beauty product na may clinic din. Mas malaki raw kasi ang ibinayad sa kanya.

Nalungkot ang owner ng beauty clinic na basta na lang iniwan ng kilalang aktor kaya nagtanung-tanong tuloy ang may-ari sa kanilang staff kung bakit bigla na lang itong nawala sa kanila pero wala naman silang maalalang nagawang nega. Kapag daw may kailangan ang aktor ay kaagad naman nilang ibinibigay.

Heto ang nakakatawa bossing Ervin, nasa ibang bansa ang may-ari ng beauty clinic at nagri-ring ang cellphone niya, ang kilalang aktor pala ang tumatawag. Hindi ito sinagot ng negosyante dahil kasalukuyan siyang nasa conference at pagdating ng Pilipinas ay ibinalita sa kanya ng mga staff na nagparamdam sa kanila ang kilalang aktor at gustong makipag-meeting sa boss nila.

Napakunot-noo ang may-ari at pinag-usapan nila ito ng kanyang partner at pinayuhang dedmahin na lang dahil nga sa ginawa nitong basta na lang silang iniwan ng walang paalam.

Hmmmm, noon pa namin nababalitaang walang loyalty ang aktor kaya hindi na kami magtataka kung wala nang magtiwala uli sa kanya dahil sa ugali niya. Siyempre, kakalat na sa advertising world ang ginawa niyang pambabastos sa dati niyang ineendorsong beauty clinic kaya hindi imposibleng ma-blacklist na siya sa iba pang kumpanya.

Read more...