ISA kami sa mga nalungkot sa balitang naghiwalay na sina Nikki Gil at Billy Crawford. Nasubaybayan kasi namin ang kanilang relasyon simula pa noong magkakilala sila during Pinoy Dream Academy days pa.
Isa kami sa mga nanunukso noon sa kanila hanggang sa maging sila na nga. Kahit hindi kami naging close sa kanila as a couple, we see to it na nakikibalita kami sa magandang samahan nila na akala ng lahat ay mauuwi na sa kasalan.
Labs na labs namin si Billy since we met him again after his successful international career at noong mga time na freelancer siya.
Napakabait, masayahin, makulit at mahusay makisama ang binata sa press at talagang laging may ngiting baon kapag nakikita ka niya plus yung husay niyang magpatawa na napakanatural kaya’t swak na swak nga sila ni “ampon” Luis Manzano na isa ring maloko at kalog.
Strangely, nakakapanibago talagang mapanood ang bahaging yun ng kanyang pagkatao. We were talking about his The Buzz interview with Kuya Boy Abunda, where he truly showed to people his pain, his agony at yung pinagdaraanan niya ng dahil sa pag-ibig.
Nakakalungkot talaga lalo pa’t sa tono niya sa naturang panayam ay siya ang umaako ng kasalanan kung bakit sila naghiwalay ni Nikki. Hay, ayaw na naming mag-emote.
We’re simply praying for Billy to really pick up the pieces and find himself at yung sinasabi niyang “peace and happiness” na tila nawala na sa kanya.
Napakahusay niyang artist at napakabait na tao, more than the intrigues and scandals, mas sasamahan naming magdasal ang lahat nang naniniwala sa kanya na soon, as in very, very soon, ay pareho nilang malalampasan ni Nikki ang anumang pangit na nangyari sa kanila.
( Photo credit to Google )