RAYMART kay CLAUDINE: Hindi ko po siya sinasaktan, lalabas din ang katotohanan!

Nagsalita na raw si Raymart Santiago tungkol sa akusasyon ni Claudine Barretto na sinasaktan siya nito noong nagsasama pa sila na humantong na nga sa pagsasampa ng petition for Temporary Protection Order ng aktres laban sa aktor.

Sa naging pahayag ni Raymart, pinabulaanan niya na inabuso niya si Claudine. Hinding-hindi raw siya gagawa ng anumang bagay na ikasisira niya at ng kanyang mga anak.

Aniya, marami raw ang makapagpapatunay na wala siyang ginagawang masama kay Claudine. “Marami rin ang makakapagpatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento. I strongly deny her accusations.

Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon,” ang bahagi pa ng statement ni Raymart.
Hindi pa rito matatapos ang lahat, let’s wait and see na lang.

( Photo credit to Google )

Read more...