LUMAKAS ang bagyong may international name na Kammuri habang papalapit sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay nasa layong 1,430 kilometro sa silangan ng Visayas.
Ito ay nasa typhoon category na kahapon at may hangin ito na umaabot sa 120 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 150 kilometro bawat oras.
Umuusad ito ng 10 kilometro bawat oras pakanluran-hilagang kanluran.
Inaasahang papasok ang bagyo sa PAR sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga. Tatawagin itong bagyong Tisoy, ang ika-20 bagyo na papasok sa PAR ngayong taon.
Sa Lunes ay inaasahang magdadala na ng pag-ulan ang bagyo sa Bicol Region at Eastern Visayas.
READ NEXT
Updated: Pulis patay; 16 pa, karamiha’y estudyante, sugatan sa pagsabog sa school sa Misamis Oriental
MOST READ
LATEST STORIES