TAHIMIK lang ang character ni Maricel Soriano sa “The Heiress” pero epektibo ang hatid niyang takot sa kabuuan ng pelikula.
Non-stop ang katatakutan na hatid ng bagong Regal horror movie – mula simula hanggang wakas ay talagang tatakutin ka ng mga eksena nina Maria, Janella Salvador, McCoy de Leon at Sunshine Cruz.
Kaya naman ‘yung mga nanood sa premiere night ay halos mapaos sa kasisigaw, lalo na kapag lumalabas na ang bagong creature na si Mamalarang, huh!
Nakakapanghiyang man dahil hindi ito nakapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival, pero siguradong magpi-feeling piyesta pa rin ang publiko sa pagsugod nila sa mga sinehan ngayong showing ang pelikula.
Congratulations, Team “The Heiress” sa paghahatid muli ng isang tunay na horror movie na tatak-Regal!