VERY positive ang Pinoy fans ni Miss Universe Philippines Gazini Ganados na maiuuwi niya ang korona for a back to back win.
Sumugod talaga ang kanyang fans sa NAIA para i-goodluck ang Cebuana beauty queen na lumipad na pa-Atlanta, Georgia para sa pre-pageant ng Miss Universe.
Bukod sa kanyang mga gowns and shoes, dala-dala ni Gazini ang isang maliit na Sto. Niño na ginamit na rin ng mga Cebuana beauties nang sumabak sila sa local at international pageants. Magaganap ang Miss Universe 2019 pageant sa Dis. 9.
MOST READ
LATEST STORIES