Pinoy arnis artists hahataw ng ginto

 

MULING magpapasiklab ang mga pambatong arnis artist ng Pilipinas sa pagsabak nila simula ngayong Linggo sa walong gold medal event ng arnis competition ng 30th Southeast Asian Games.

Gaganapin ang arnis events sa Angeles University Foundation gym sa Angeles City, Pampanga mula Disyembre 1 hanggang 3 at sasalang sa men’s division sina Dexter Bolambao (men’s below-55 kilograms), Nino Talledo (men’s 55-60 kg), Villardo Cunamay (men’s above 60 kg) at Mike Banares (men’s above 65-kg).

Ang women’s arnis team ay ipaparada naman sina Jezebel Morcillo (below 60 kg), Jude Rodriguez (50-55 kg), Eza Rai Yalong (55-60 kg) at Erl Busacay (above 60).

Read more...