POSIBLENG pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo na may international name na Kammuri sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.
Kapag pumasok sa PAR, ang bagyo ay tatawaging Tisoy.
Ngayong umaga ang bagyo ay nasa dagat ng Guam at may layong 1,755 kilometro sa silangan ng Visayas at umuusad ng pakanluran sa bilis an 25 kilometro bawat oras.
May hangin ito na umaabot sa 85 kilometro bawat oras ang bilis malapit sa gitna at pagbugsong 105 kilometro bawat oras.
READ NEXT
Kitkat naubos ang ipon kaya todo trabaho: Namatay si nanay tapos kailangan operahan ang papa ko
MOST READ
LATEST STORIES