Kitkat naubos ang ipon kaya todo trabaho: Namatay si nanay tapos kailangan operahan ang papa ko

KITKAT AT ANG YUMAO NIYANG LOLA

KAHIT may kinakaharap na problema ang komedyanang si Kitkat Favia dahil scheduled for operation ang papa niya ay nagagawa pa rin niyang magpatawa.

Kamakailan ay nakausap namin siya kasama ang dalawang katotong sina Pilar Mateo at Maricris Nicasio at naikuwento nga niya noong magpunta sila ng kanyang asawa sa Dakak Resort kamakailan.

Dumalo sila sa kaarawan ni Mr. Nonong Jalosjos na ka-birthday din ng daddy niya at dito nga niya nabanggit na kahit may vertigo siya ay nagawa pa niyang mag-zip line, “Nandito kami sa Dakak, kasama ko ang aking the cock,” birong sabi ni Kitkat na ibig sabihin ay ang asawa niya.

Ipinost niya sa kanyang Facebook page na nominado siya sa Aliw Awards para sa kategoryang Best Stand Up Comedian/Host for Comedy Bars kung saan makakalaban niya sina Bobita, Terry Onor, Petite, Le Chazz, Ate Gay at Paolo Santos.

Post ni Kitkat, “Waaaahhhh! Nominated again for ALIW AWARDS 2019 grabe ma-nominate lang talaga palagi pong para sa akin panalo na, lagi po akong masaya at super grateful! Thank You Aliw Awards Foundation for always recognizing our talents. Thank You Papa God sa mga talents ko po.”

Ilang beses na bang na-nominate si Kitkat sa Aliw bilang best stand-up comedienne? “Sa best stand up comedian po pang-apat po ito. Nu’ng nanalo po ako ng best actress kasabay din po nu’n nominated pa rin po ako best stand up comedian at best crossover artist.

“Ang sarap po palagi kasi ‘yung appreciation super nakakataba po ng puso as in, siyempre supporting lang naman ako lagi so madalas sa madalas hindi na kami napapansin so ang sarap sa pakiramdam na napapansin po pala ako, iba rin ang dating pag nano-nominate tumataas ang value lalo pa pag nanalo. Ha-hahaha!” aniya.

Umaasa ba siyang mananalo? “Siyempre naman po sinong ayaw, competitive po akong tao so sa lahat ng bagay gusto ko lagi ako angat. Ha-hahaha! OC (obsessive compulsive) ba kahit mga palosebo na laro or habulang baboy di ako papatalo, e! Ma-nominate pa lang iba na ang saya lalo pa kapag nanalo.”
Ilang beses na ring na-nominate ang komedyana: 2016, Best Actress in a featured role Musical (winner), Best Stand Up Comedian, Best Crossover Artist; 2017, Best Stand Up Comedian; 2018, nominated Best stand up comedian; 2019, Best Stand Up comedian/Host.

As of now ay walang regular show si Kitkat sa ABS-CBN pero nakakapag-guest naman daw siya sa GMA 7 dahil kaibigan din naman niya ang mga taga Siyete.

At habang wala siyang show ay, “Puro gigs po ako ngayon at mga corporate shows, fully-booked na ang December need kumayod halos ubos ako sa pagkamatay ni nanay (lola) at now need gumastos ng malaki para sa operasyon ni papa ko.”
Hindi pa namin narinig kumanta si Kitkat pero sabi nga niya, mas singer siya kaysa komedyana. Aniya, “Hindi ko nga po alam na komedyante po ako e, na-discover kasi po ako sa mga comedy bars kaya ‘yun ang naging label ko comedienne pero singer po talaga kasi ako ka-batch ko sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto sa Star for a Night. Nakakatuwa lang na talagang natural lang pala naman ‘yung pagiging komedyante ko.”
Bukod sa show performer ang singer-comedienne ay mahusay siyang endorser dahil halos lahat ng produktong ineendorso niya ay patok sa merkado at marami pang dumarating.
“Oo nga po, sobrang daming blessings kaya panay ang pasalamat ko kay papa God,” sabi sa amin.
Mabait na anak at kapatid si Kitkat dahil inuna niyang bigyan ng negosyo ang magulang, pinag-aral ang mga kapatid at saka palang siya bumili ng sariling bahay na tinitirhan nila ngayon ng asawa niyang si Walby Favia, isang negosyante.
Isa sa negosyo nina Kitkat ay ang IBagnet na matatagpuan sa Metrowalk, Pasig. City.

Read more...