Lovi Poe gagawa na rin ng proyekto sa ABS-CBN

PINAYAGAN ng GMA 7 si Lovi Poe na gumawa ng project sa ABS-CBN. Matapos mag-guest sa ilang show ng Kapamilya Network, gagawa na rin ang Kapuso actress ng original movie para sa streaming service ng ABS na iWant.

Makakasama ni Lovi rito si Zanjoe Marudo under the production of Dreamscape Digital. Nag-post na sa kanyang Instagram account ang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal ng mga behind-the-scenes photos nina

Lovi at Zanjoe na kuha sa Matera, Basilicata, Italy.

Ang iWant movie nina Lovi at Zanjoe ay ididirek ni Connie Macatuno, ang nagdirek din ng “Glorious.”

Read more...