Gretchen sa pagkikita nila ni Beauty: Lucky day ko!

GRETCHEN BARRETTO

TUWANG-TUWA si Gretchen Barretto nang makilala at makaharap nang personal ang Kadenang Ginto lead star na si Beauty Gonzalez.
Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Greta ang aksidenteng pagkikita nila ng Kapamilya actress. Nagkita sila sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City last Sunday.
Ipinost ni Gretchen ang isang video kung saan mapapanood ang chikahan nila ni Beauty, may caption itong, “Today’s a lucky day because we get to meet Beauty Gonzalez and the husband.” Ang tinutukoy niya ay ang asawa ng aktres na si Norman Crisologo.
Makikita rin sa nasabing video ang pagsali ng partner ni Greta na si Tonyboy Cojuangco, sa selfie nila ni Beauty. Hirit pa ng sister nina Claudine at Marjorie Barretto, “O, di ba, we’re all happy? You’re making us all happy.” Na sinagot naman ni Beauty ng, “Thank you so much.”
Bukod dito, may isa pang video na ipinost si Gretchen kung saan mapapanood ang paglapit ng aktres sa table nina Beauty at ang mga kasamahan nito para mag-share ng drinks, “Because sharing is caring…” sey pa ni Gretchen.
Nag-post din ng video si Beauty sa kanyang Instagram Story na may caption na, “A pleasant surprise…” at naka-tag pa si Gretchen. Dito nga makikita na kasama rin sa grupo nina Greta at Tonyboy ang kontrobersyal na negosyanteng si Atong Ang.
Kaya naman ang komento ng mga netizens, gusto na namang ibandera ni Greta sa lahat ng mga tsismosa na wala talagang issue sa relasyon nila ni Tonyboy at ni Atong Ang.

Read more...