Karla kinilig nang makita ang bf na may dalang litsong baboy | Bandera

Karla kinilig nang makita ang bf na may dalang litsong baboy

- November 27, 2019 - 12:19 AM

KITANG-KITA sa aura ni Karla Estrada ang sobrang kaligayahan ngayong naipakilala na niya sa madlang pipol ang kanyang bagong boyfriend.

Kilig na kilig ang nanay ni Daniel Padilla nang sorpresahin siya ng dyowa sa kanyang birthday celebration sa Magandang Buhay last Monday.

Ayon kay Karla, bukod sa kanyang kalusugan ang isa pa sa birthday wish niya ay mapangalagaan naman ang present lovelife, “I think it’s time for me na alagaan na talaga ‘yung health ko, ‘yung heart ko,” ani Karla na kilig na kilig sa panunukso ng kanyang co-hosts na nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Kumusta naman ang relasyon nila ng kanyang boyfriend, tanong sa kanya ng mga kaibigan, “So healthy, so sweet, very happy!” ani Karla na kitang-kita ang reaksyon nang makita ang boyfriend na may dala-dalang litsong baboy para sa kanyang birthday episode sa Magandang Buhay.

Hirit pa niya, “Pero parang gusto ko ‘yung nagdala nito kaysa rito (sa litson)!”

q q q
Pinayagan ng GMA 7 si Lovi Poe na gumawa ng project sa ABS-CBN. Matapos mag-guest sa ilang show ng Kapamilya Network, gagawa na rin ang Kapuso actress ng original movie para sa streaming service ng ABS na iWant.

Makakasama ni Lovi rito si Zanjoe Marudo under the production of Dreamscape Digital. Nag-post na sa kanyang Instagram account ang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal ng mga behind-the-scenes photos nina Lovi at Zanjoe na kuha sa Matera, Basilicata, Italy.

Ang iWant movie nina Lovi at Zanjoe ay ididirek ni Connie Macatuno, ang nagdirek din ng “Glorious.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending