Ayon kay Salceda, ang target collection ng BIR ay P2.32 trilyon pero ang nakokolekta pa lamang nito hanggang noong Oktubre ay P1.7 trilyon.
“While this is 10% higher than the collection in the same period in 2019, this is falling short of the DBCC-set (Development Budget Coordinating Committee) target by 4.71%,” ani Salceda.
Isa umano sa dahilan ng pagbaba ng koleksyon ng BIR ang pagtigil ng malalaking oil companies na mag-refine ng kanilang produkto at sa halip ay nag-aangkat na lamang ng ibebentang produkto.
“Thus, it is now the BOC that collects the VAT and excise taxes amounting to almost P55 billion,” ani Salceda na umaasa na nakolekta ito ng BoC.
Humihingi si Salceda sa BIR ng breakdown ng koleksyon nito.
“The Committee requested the BIR to disaggregate its collection data to trace the revenue gain due to tax administration reform initiatives,” dagdag pa ni Salceda.
Humihingi rin si Salceda ng update sa paniningil nito ng buwis sa mga Philippine Offshore Gaming Operators at sa mga dayuhang empleyado nito na makadaragdag umano sa koleksyon ng BIR.