Cayetano bababa sa puwesto—Velasco

TIWALA si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na lalaking kausap si Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa panayam, sinabi ni Velasco na naniniwala siya na susunod si Cayetano sa kanilang napagkasunduang term sharing.

“I know naman for a fact na usapang lalaki… definitely when the 15 months is already due I believe Speaker Allan will step down and hand the speakership sa inyong lingkod,” ani Velasco.

Ayon sa inanunsyo ni Pangulong Duterte, 15 buwan uupo si Cayetano na nagsimula noong Hulyo at ang nalalabing 21 buwan ay para kay Velasco.

“Usapang lalaki naman talaga. if you notice di ako masyado nagsasalita… ayoko naman mag-grab ng limelight.. i want to give him the free reign.. I’m just waiting for the (my time),” dagdag pa ni Velasco.

May mga kongresista na nagsabi na maganda ang performance ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano kaya hindi na umano ito dapat palitan.

Read more...