7 katao dinukot sa Pasay

KINUMPIRMA nina Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano at Pasay Police chief Col. Bernard Yang na nawawala ang pitong indibiduwal, kabilang ang ilang menor-de-edad, sa lungsod.

Ani Yang, dumulog sa kanyang tanggapan ang mga magulang ng pito, na may edad 15 hanggang 22, at sinabing nawawala ang kanilang mga anak noon pang gabi ng Nobyembre 20

Sa inisyal na ulat, sinasabing dinukot ng Hi-Ace Van at kotse sa magkakahiwalay na insidente ang mga biktima.

Nakipag-usap na ang pulisya sa Land Transportation Office upang matunton ang mga may-ari ng sasakyan na ginamit sa umano’y pagdukot.

Tumanggi naman si Yang na banggitin ang pangalan ng may-ari ng van dahi nagsasagawa pa umano sila ng follow-up operation.

Nanawagan naman ang alkalde sa publiko na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan at pulisya at kung may impormasyon ay tumawag sa sa mga hotline na 8883 11544, 09989674527, 775-85746, 09178672263.

Read more...