Kris nag-sorry sa fans; muling haharap sa madlang pipol… live na live!

KRIS AQUINO

HUMINGI ng paumanhin si Kris Aquino sa kanyang fans and social media followers dahil matagal-tagal din siyang hindi nagparamdam.

Panandaliang nagpahinga sa pagpo-post ang Queen of Digital & Social Media sa Instagram at Facebook dahil may mga inasikaso muna siya na mukhang may koneksyon sa kanyang inang si Former President Cory Aquino.

Masaya ring ibinalita ng TV host-actress na magkakaroon siya ng event sa isang mall para sa isang cooking demo kaya excited na siya na maka-bonding muli ang madlang pipol.

Sa kanyang Instagram account, muling nag-post ang mommy nina Joshua at Bimby sa IG ng kanyang latest photo. In fairness, maganda ang aura ni Kris ngayon at handang-handa na sa mga natanguang commitments para sa holiday season.

“Sorry for my silence/absence last week… swipe left, that THANK YOU is for my mom. soon enough i’ll be able to share with you some parts of my life’s recent journey & it will become so clear why this was posted.

“In the meantime- in case you’re free on Wednesday, Nov 27 i’ll be in Glorietta at 5 PM to hopefully help make your Christmas celebration more delicious. 

“Trying to recall if i’ve ever done a cooking demo w/ actual food tasting for those in attendance in such a big venue and seems this will actually be a #first. #lovelovelove!” caption ni Kris sa kanyang IG post.

Narito ang ilang comments ng kanyang followers na hanggang ngayon ay hindi bumibitiw sa pagsuporta sa kanya.

Sey ni @laarnijadeatienza, “Miss @krisaquino dati bago ako magsimula ng gawaing bahay tinatapos ko muna show mo. Nagmamadali akong umuwi galing sa paghatid ng panganay ko. Mas ok na yan na dika na masyadong lagare sa mga shows mo para makpag rest ka din kasama mga anak mo. Marami kana man napong datong haha joke lang po. Gob bless po Miss Kris at sa 2 poging anak nyo po.”

Komento ni @frelinj, “Hinanap ka ni mama miss@krisaquino … Bakit daw walang ganap sa tv. Pinakita ko nalang yung mga post mo sa IG. Take care po.”

Ayon naman kay @roca.joey, “Hope we can see you Ma’m Kris, thank you for the info, ngatz po God continue to bless you and your family Mwah.”

Mensahe ni @nenitarosales92, “Idol kita mam Kris sa pagiging loving mo sa mga anak mo at Kung saan2 Kau nakakarating ienjoy ang Buhay, how i wish kme din ng pamilya Ko, ang sarap po mangarap.”

Comment ni @xavvi_s, “I dont think a @krisaquinowould ever be irrelevant! For all i know, eversince na nagkaisip ako at nagtatalk show pa sya, lahat ng topic meron syang opinion and you would never feel na its on the script at mabored pag sya ang host, it’s either you can get a lesson or may madagdag sa kaalaman mo or mainis ka because she talks everything in her mind but one thing for sure shes never irrelevance!

“Nagkataon lng na her health does not permit her at kumbaga kanya-kanyang time lng tayo and she made the MOST and FORTUNE out of it, nevertheless, Kris Aquino will always be a Household name and NO ONE can be like her in this lifetime.”

Sey naman ni @znin_2726, “Sana po magkaroon po ng chance malapitan ka po ms. Kris… and its your dad’s birthday po…. and its my birthday too. My nickname is ninay..kasi po ka bday ko po si dad mo,, and tito ko po nagbigay po nun palayaw ko po, hope to see you po ms kris.”

Read more...