Heart Evangelista buntis na nga ba?

TANONG ng madlang pipol: Buntis na ba uli si Heart Evangelista?

Yan ang mainit na usap-usapan ngayon ng mga netizens matapos makita ang Instagram photo ng Kapuso actress kasama ang kanyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Nakasuot ang aktres ng malapad na Mexican hat at naglagay din ng pekeng bigote. Nilagyan niya ito ng caption na, “Cheesy with Chiz! (party popper emoji).”

Sa nasabing IG photo, makikita si Heart na nakakandong kay Chiz at maraming netizens ang nakapansin ng pagkakasapo ng gobernador sa tiyan ng kanyang misis. 

Kaya naman ang paniwala ng social media followers ni Heart ay buntis na ito sa panganay nila ni Chiz. Narito ang ilang comments ng netizens.

Sey ni @lagalangannina18, “I think ms @iamhearte is pregnant..i feel the signs hahaha!”

Sabi naman ni @ransessebastian, “May the Lord Bless your womb @iamhearte.”

Comment ni @evangelineapdal, “Wow magiging mommy na ba?”

Ito naman ang sabi ni @saraah.rivera, “Hoping for a happy and healthy mommy @iamhearte.”

“Miss Heart sana may baby na kayo. Hehehe!” sey naman ni @duskytravels.

Read more...