Lucky charm ni JC Santos nasa pwet; gaganap bilang Lam-ang


MUKHANG totoo nga ang sinasabi tungkol kay JC Santos – nasa “butt” ang kanyang charm.

Ilang beses na siyang nagpakita ng pwet sa pelikula tulad ng “Open” na napasama sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino at sa kakatapos na Cinema One Originals Film Festival na “Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo” kasama si Jane Oineza.

At sa pagbabalik niya sa teatro, bibida naman siya sa buhay ng Ilocano hero na si Lam-ang na nakabahag lang kaya madali lang ito para sa aktor dahil sabi nga niya, “I’m used to getting naked!”

Anyway, sobrang saya ni JC nang mag-audition para sa ethno-epic musical na “Lam-ang.”

Aniya, “Nag-audition ako, sabi ko sa kanila na ‘huwag nang papasukin pa ‘yung susunod kung sinuman ‘yung nag-a-audition.’ Talagang kini-claim ko na nu’ng time na ‘yun na ako. At saka gagawin ko talaga ang best ko, sabi ko gusto kong makuha talaga at ‘yung song na ibinigay sa akin may choreography na, ganu’n ko talaga ka-gustong gawin.

“At siyempre, first musical na mangyayari sa buhay ko na (bida) kasi dati kasama lang ako, ngayon ako na yung sentro, kaya nakaka-pressure pero exciting at saka nasa magandang team ako kaya I’m trusting these people great actors, I’m in good hands, amazing, generous at hardworking actors.

“Alam n’yo 18 (years old) pa lang ako, Tanghalang Pilipino, nasa Dulaang UP pa lang ako, nanonood na ako, actually 16 pa lang ako dinadalhan na ako ni sir Tony Mabesa (RIP) ng mga souvenir programs galing Tanghalang Pilipino.

“I remember there are my superstars, sina Noni Buencamino, Shamaine Buencamino, Mario O Hara, sina Paulo, si Miss Peewee (O Hara),” kuwento ni JC.

Matagal nng pangarap ng aktor na makapag-perform sa CCP bilang theater artist at ito rin naman ang tinapos niya sa UP Diliman. Mas naunang nakilala ang aktor sa teatro bago niya pasukin ang telebisyon at pelikula.

“Gusto ko sa Little Theater, gusto kong makasama ‘yung mga actor, sobrang salamat, sarap sa pakiramdam everytime na nakakasama ko sila sa rehearsals ang dami-dami kong natutunan. Hindi lang Tanghalang Pilipino ang nandito, ah. Iba’t ibang theater company. So, lahat ng mga proseso nila nakikita ko at nakakakuwentuhan ko sila, ang dami kong natutunan. It’s a great feeling, yes I’m back!” kinikilig na kuwento ng aktor.

Saan unang narinig ni JC si Lam-ang, sa eskuwelahan ba noong hayskul siya at ano ang pakiramdam na ngayong parte na siya ng musical show, “Nakalimutan ko na ito nu’ng high school actually. Ngayon ko lang talaga narinig ang kuwento ni Lam-ang, first time kong maririnig. Myth pala talaga na mayroon pala tayong ganitong epic.

“Ang maganda sa interpretation dito, may freedom kami to make him human. So, dito (show), ipapakita namin ang human side aside sa ideal mystical side ni Lam-ang. Ipakikita namin kung ano ‘yung flaw niya as hero, sino siya as a person, sino siya bilang Pilipino. Ngayon ko lang naiintindihan na nangyayari siya lagi, kumbaga familiar ang kuwento sa Pilipinas,” aniya.

Ang “Lam-ang” ay mapapanood sa CCP Little Theater simula Disyembre 6-15 sa direksyon ni Fitz Edward Torres Bitana.

Kasama rin sa “Lam-ang” ethno-epic musical sina Anna Luna (Kannoyan); Tex Ordonez-de Leon (Baglan); Yves Bagadiong (Tangguod); Lance Reblando (Taraok); Jonathan Tadioan (Tandang Guibuan); Alvin Maghanoy (Batang Lam-ang); Hazel Maranan (Namongan); Remus Villanueva (Lokan); Raflesia Bravo (Saridandan); Joshua Cabiladas (Gumakas); Paw Castillo (Sumarang); Karenina Ng (Unnayan) at marami pang iba.

Read more...