Balitang nagpakasal at may anak na sina Alden at Maine… fake news!


TAKANG-TAKA  ang pinsan namin kung saan nanggagaling ang mga kuwentong nagpakasal na at meron nang anak sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Meron kasi itong kaklase na diehard AlDub fan. Nabibingi na raw silang magkakaibigan dahil sa kuwento ng dati nilang kaklase sa high school na totoong may anak na ang magka-loveteam.

Natural, ikinukuwento namin sa kanya ang totoo na fake news lang ‘yun, dahil ni hindi nga naging magkarelasyon sina Alden at Maine.

Kuwento ng pinsan namin, “May nagpapadala kasi sa kanya ng mga text tungkol sa AlDub. Du’n niya nakukuha ang mga kuwento niya. Naiinis na nga kami kapag nagkukuwento siya, ipinipilit talaga niya na ikinasal na raw sina Alden at Maine at may anak na nga raw!” naguguluhang kuwento ng aming pinsan.

Mismong ang ama na nga ng aktor ang paulit-ulit na nagsasabing walang anak sina Alden at Maine. Sa showbiz ba naman ay puwedeng ilihim ‘yun kung totoo nga?

Sa mundo ng mga artista ay walang naitatago. Konting bagay lang ay pinagpipistahan na agad-agad. Nakakaawa naman ang mga loyalista ng loveteam na hanggang ngayo’y naniniwalang kasal na at nagkaanak sina Alden at Maine.
Jusko!

Read more...