DUMAAN sa matinding “pagsubok” si 2019 Binibining Pilipinas-Universe Gazini Ganados nang mag-guest sa The Bottomline hosted by the Asia’s King of Talk Boy Abunda.
Isinalang kasi si Gazini sa mahihirap na tanong mula sa Bottomliners. Nasagot naman ng beauty queen ang mga questions pero binigyan siya ng tips on how to deliver an answer with the proper intonation at angas para mas maging malakas ang impact sa audience.
May tendency kasi si Gazini na towards the end ng kanyang answer ay mahina ang kanyang boses kaya lumalaylay tuloy sa huli. Dahil diyan, kahit may sense ‘yung sinasabi niya, wala namang kadating-dating.
Ang daming nakuhang advice at learnings ni Gazini sa Bottomline kaya nagmistulang “training on air’’ ang special guesting niya sa show ni Kuya Boy.
But there are times naman na umani ng palakpak si Gazini sa mga sagot niya from the Bottomliners at staff ng The Bottomline.
Si Gazini ang ikatlong kandidata ng Pilipinas for Miss Universe na dumaan ng extensive training from Kuya Boy on how to answer a question and deliver it effectively para sa Q&A portion, ang naunang dalawa ay sina Miss Universe Pia Wurtzbach at Catriona Gray.
After ng taping ni Gazini sa The Bottomline, nagkaroon kami ng chance na mainterbyu siya. And we asked her kung handang-handa na siya sa pagsabak niya sa Miss Universe na magaganap sa Atlanta, Giorgia sa December.
“I’m ready to represent the Philippines because I’ve been training so much ever since I won, and I’ve been training even before that. And I know that I am ready deep down in my heart,” lahad ni Gazini.
At ang pinakamahirap na bahagi raw ng kanyang journey sa pagsali sa Miss Universe ay ‘di ang pagrampa sa swimsuit, long gown and Q&A competition.
“The hardest part in joining a competition like this is that when you’re joining you’re not just representing yourself, but you’re representing the whole Philippines and it’s hard when you just like doubt yourself in the middle of it. So, never doubt yourself and stay strong. Come as you are and end as you are,” sabi ni Gazini.
Sa huli humingi ng panalangin si Gazini sa mga Pinoy, “As I embark on my journey to Miss Universe pageant, I would like to wish for a humble prayer for me to be able to, overcome Miss Universe in the international arena. I know you that guys will forever support me unconditionally, and thank you for that. Maraming salamat po and God bless you all.”
By this time, maaaring nasa US na si Gazini pero bago natin siya mapanood sa Miss Universe competition, huwag palampasin ang special guesting niya sa The Bottomline ngayong Sabado, 11:30 p.m. sa ABS-CBN.
###
Ngayon pa lang ay excited na ang mga taga-San Jose del Monte, Bulacan sa malaking development na magaganap dahil sa inisyatibo ng kanilang masipag at loving tandem leaders na sina Mayor Arthur Robes at Cong. Florida “Rida” Flores.
Next year bubuksan ang St. Bernadette Hospital sponsored by Sen. Cynthia Villar pati ang ang manpower development institute na dating Bulacan Polytechnic College. Magagamit daw ang institusyong ‘yan to check all the skills of the Sanjoseños bilang panlaban sa openings abroad and inside San Jose del Monte.
“Number three, we will be coming up with an LTO office na hindi na kami pupunta ng Sta. Maria at saka Novaliches. Doon na lang meron na tayong LTO building. We will be coming up also with a Person with Disability building,” sabi ni Mayor Robes.
Anyway, masaya naman si Cong. Rida sa mga nagsasabi na sila ang Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres (power couple) ng San Jose del Monte, Bulacan. Matagal na raw silang magkakaibigan kahit noon pang tumakbo ang aktor sa Bulacan.
“We are proud with the friendship that we have mula nu’ng panahon na walang pumapansin sa kanya. And, alam ni Goma ‘yun. You can ask him about it,” say pa ni Cong. Rida
Sinasamahan daw niya talaga si Goma sa Bulacan noon kahit inaaway na siya ng ibang politiko.
“For me kasi, you really have to give chance sa mga bata. Hindi naman bata. I mean, hindi ko sinasabing hindi magagaling ang mga matatanda, ha. Baka ma-misquote ako. They really have experience. But let’s face the fact na may mga bagay na hindi na nadi-discuss ng Pero nabibigay ng kabataan.
“Kabataan in the sense na hindi batang-bata. ‘Yung mga kaedad din natin na pwedeng magbigay at magdagdag sa ating kaalaman sa lahat,” paglilinaw ni Cong. Rida.