Bodyguard ng mayor binoga

SUGATAN ang isang bodyguard ng alkalde ng Urbiztondo, Pangasinan, nang barilin ng mga di pa kilalang salarin.

Nakilala ang biktima bilang si Jeric Caguioa, 34, personal security ni Mayor Martin Raul Sison II, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.

Bigla na lang dumating si Caguioa sa istasyon ng lokal na pulisya pasado alas-7 ng umaga Linggo, para humingi ng saklolo dahil siya’y binaril.

Apat na kalalakihan umano ang sinasabing nasa likod ng pamamaril sa Brgy. Poblacion.

Itinakbo si Caguioa sa lokal na ospital at pagdaka’y nilipat at kinonfine sa isa pang pagamutan sa San Carlos City, ayon sa pulisya.

Read more...