Pickup vs kotse: 1 patay, 4 sugatan

ISANG babae ang nasawi at apat pa katao ang nasugatan nang magsalpukan ang isang pickup at kotse sa Laoag City, Ilocos Norte, nitong Linggo.

Dead on arrival sa ospital ang driver ng kotse na si Alexis Maxine Abaloyan, 19, residente ng Brgy. 1 San Lorenzo, ayon sa ulat ng

Ilocos Norte provincial police.

Sugatan ang mga sakay niyang sina Kendrick Molines, 22; John Paul Mandac, 16; at Kyla Shane Blas, 17, pawang mga residente din ng lungsod.

Sugatan din ang driver ng pickup na si Anthony John Mangussad, 20.

Naganap ang insidente dakong alas-4 ng umaga, sa Rizal st., Brgy. 1.

Bumibiyahe pa-timog ang kotse nang makasalpukan ang kasalubong na pickup. Nagsasagawa pa ang pulisya ng karagdagang imbestigasyon sa insidente.

Read more...