HINDI na umano bago ang mga reklamo ng mga atleta kaugnay ng accommodation sa host country ng Southeast Asian Games.
Ayon kay 1Pacman Rep. Mikee Romero, isa sa mga atleta ng bansa sa Polo, nararanasan din nila ang mga reklamo ng matagal na sundo at hindi kaagad nakakapasok sa hotel kapag naglalaro sa ibang bansa.
“This is nothing new – we experienced something similar in previous SEA Games in Thailand, Indonesia. I experienced this personally in Myanmar,” ani Romero.
Romero said that 80 delegations arrived in the country at the same time.
“Out of that, tatlo ang nagkaproblema. They came in unexpectedly at 4 a.m.,” dagdag pa ni Romero.
Isa rin umano naging sanhi ng problema sa preparasyon ang hindi agad pagpasa sa 2019 national budget.
“Had the budget not been delayed, these mishaps would probably not have happened. I guess it’s also partly (Sen. Franklin) Drilon’s fault because the budget wasn’t approved by the Senate right away,” ani Romero.
MOST READ
LATEST STORIES