Tips para iwas skin disease

KAMAKAILAN lang ay ipinagdiwang ang National Skin Disease Detection and Prevention Week. Layon nitong ipalaganap ang kamalayan tungkol sa mga sakit sa balat pati na kung paano ito mlalaman at maiiwasan.

Narito ang ilang tips para makaiwas sa mga sakit sa balat.
– Hugasan ang inyong mga paa ng malinis na tubig at sabon araw-araw.
– Siguraduhing tuyo ang iyong mga paa bago magsuot ng medyas.
– Panatilihing tuyo at malinis ang mga ginagamit na sapatos.
– Huwag mag-uulit ng paggamit ng medyas.
– Panatilihing malinis at tuyo ang iyong katawan.
– Iwasan ang direct skin-to-skin contact sa taong may skin disease.
– Huwag gumamit ng maruming damit o bedding na ginamit ng taong may sakit sa balat.
– Iwasang humawak o gumamit ng kahit anong gamit ng taong mayroong skin disease.
– Magpalit ng damit kapag basa na ng pawis.
– Maghugas ng mga kamay pagkatapos humawak ng kahit anong uri ng hayop. Kung maaari ay gumamit ng hand sanitizer.
– Linisan ang tirahan ng mga alagang hayop.
– Gumamit ng moisturizer para maiwasan ang pagkatuyo ng balat.

Read more...