Paano ba ang tamang paglilinis ng toilet?

ANG World Toilet Day ay isang taunang global event na inorganisa ng UN Water para magkaroon ng kamalayan sa krusyal na ginagampanan ng sanitasyon para makaiwas sa mga sakit at magkaroon ng mas malusog na komunidad. Ang World Toilet Day ay ginaganap tuwing Nobyembre 19.

Narito ang ilang tips sa tamang paglinis ng inyong toilet:

– Bago linisan ang toilet bowl, i-flush muna ito para mabanlawan at malinisan ito nang mas mabilis

– Gumamit ng panlinis para sa toilet bowl at bleaching liquid at powder detergent para sa banyo.

– Linisan ang labas ng bowl mula upuan, flush button o handle, hanggang sa takip gamit ang isang sponge o brush.

– Pagkatapos ay linisan ang loob ng bowl at tanggalin ang makapit na dumi at mantsa bago ito banlawan.

– Huwag kalimutang gumamit ng gloves lalo na’t gagamit ng matapang na kemikal tulad ng muriatic acid.

Read more...