Sunshine hindi pakakasalan si Macky; may promise sa 3 anak


WALANG balak si Sunshine Cruz na pakasalan ang boyfriend na si Macky Mathay anytime soon.

Ayon sa ex-wife ni Cesar Montano, marami siyang priority ngayon sa buhay at hindi pa kasama riyan ang pagpapakasal. Gusto muna niyang i-enjoy ang life kasama ang kanyang mga anak.

“Kaka-annul ko lang. Ine-enjoy ko muna ‘yong pagiging single, hindi pa nga nalilipat ng Cruz, magma-Mathay na,” sey ng aktres sa isang panayam.

Mahigit tatlong taon na silang magkarelasyon ni Macky at naiintindihan naman daw nito ang kanyang desisyon na mag-focus muna sa kanyang mga anak.

“‘Yung set-up ko kay Macky, okay naman kami, we inspire each other. Okay naman kami, nagkakaintindihan kami so ‘yon na muna,” lahad ni Sunshine.

Aniya, ang isa sa mga gusto niyang karirin sa mga susu-nod na buwan ay ang makaipon sa dream travel destinations nila ng kanyang tatlong anak na sina Angelina, Sam at Chesca.

“Gusto ko muna i-enjoy muna ‘to and mag-focus muna ako sa pag-iipon para ma-travel ko ‘yong mga anak ko.

“Gusto nilang pumunta pa sa Europe, gusto nila mag-Italy, gusto ko muna pag-igihan ang pagtatrabaho para madala ko sila sa mga dream destinations nila,” pahayag pa ni Sunshine.

Read more...