Ryza Cenon ‘engaged’ na: I said yes!

“ENGAGED” na ang Kapamilya actress na si Ryza Cenon.

Ibinandera ng dalaga ang kanyang mga litrato sa Instagram suot ang ipinagmamalaking “engagement ring”.

Ito’y isany crescent ring with matching bezel ring na may 0.1 carat diamond. May name tag din ito kung saan nakasulat ang pangalan niyang “R-Y-Z-A”.

Caption ng aktres sa kanyang mga “engagement” photos: “She actually is engaged…to herself. And her post is a celebration of singlehood.

“I said YES! to give my full commitment to love myself before I give my heart to a person.

“And when the right one comes, I’ll transfer this ring to my other hand and accept the right one to the perfect hand. I’m engaged with myself,” mensahe pa ni Ryza.

Isa sa mga nag-comment sa hugot ni Ryza ay ang award-winning actress na si Eula Valdes na gumanap na nanay niya sa Kapamilya seryeng The General’s Daughter.

Ang huling boyfriend ni Ryza ay ang aktor na si Cholo Barretto. Sa isang panayam kay Ryza sinabi nitong naka-move on na rin siya sa break-up nila ng binata at masaya naman siya ngayon bilang single.

“Kailangan naman para mag-move forward na rin. Past is past na. So, tapos na siya. Kaya mas mag-focus na lang po muna sa work,” pahayag pa ng aktres.

Read more...