MALAKAS at malutong na sampal ang pinaranas ng beteranong kontrabida na si Gladys Reyes sa co-star nito sa GMA Afternoon Prime series Madrasta na si Thea Tolentino.
Worth it naman daw makatikim ng sampal mula kay Gladys, nagpasalamat pa nga ang Kapuso actress dahil sa mga ganitong klaseng eksena ang pinagkukuhaan niya ng kaalaman para sa mga susunod na tagpo ng pinagbibidahang serye.
Umere ang komprontasyon ng mga karakter nila na sina Katharine at Elizabeth last week at ibinahagi ni Thea ang behind-the-scenes nito sa Instagram, “Elizabeth VS. Katharine. Intense scenes today! Namiss kong masampal ng ganon!
“So grateful na nakakatrabaho ko ang mga mahuhusay na beteranang aktres gaya ni ate @iamgladysreyes. Ang dami kong natututunan kada taping. Love you ate.”
Patuloy na subaybayan ang mas umiigting na kaganapan sa Madrasta, tuwing hapon sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.