SWS: Walang trabaho dumami

DUMAMI ang bilang ng mga walang trabaho, ayon sa survey ng Social Weather Stations.

Mula sa 20.7 porsyento (9.8 milyon) noong Hunyo, tumaas ito sa 21.5 porsyento o 10 milyong Filipino na nasa edad ng pagtatrabaho.

Sa mga naghahanap ng trabaho, apat na porsyento ang first time job seeker, 10 porsyento naman ang boluntaryong umalis sa kanilang pinapasukang trabaho, 1 porsyento ang nagsara ang pinapasukan, anim na porsyento ang hindi na na-renew ang kontrata at 1 porsyento ang inalis sa trabaho.

Sa mga walang trabaho, 45 porsyento ang edad 18-24, 31 porsyento ang 25-34 porsyento, 17 porsyento ang 35-44 at 14 porsyento ang edad 45 pataas.

Umaasa naman ang 53 porsyento na madaragdagan pa ang bilang ng mga mapapasukang trabaho sa susunod na 12 buwan, samantalang 13 porsyento ang nagsabi na maaaring mas kumonti pa ito.

Ang survey ay ginawa mula Setyembre 27-30 at kinuha ang opinyon ng 1,800 respondents. Ang survey ay mayroong error of margin na plus/minus 2.3 porsyento.

Read more...